May patutsada si Darryl Yap sa mga bumabatikos sa kanyang mini series na Kape Chronicles.
Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Pebrero 11, sinabi niyang trinato ng mga "kakampinks" ang karakter na si Lenlen bilang si Vice President Leni Robredo.
"A Satire made KAKAMPINKS cry, they treated LENLEN = LENI," ani Yap.
Tila hashtag unbothered din ang direktor sa mga batikos na ibinabato sa kanya.
"You can troll my account, you can twist my statements, you can maliciously cut tweets, you can cancel me all-you-can, you can make me look bad. You can recruit haters to bash me," saad niya sa kanyang post.
Nagbigay rin siya ng umano'y tatlong katotohanan.
"1. 18 hours per day everyday will kill you. 2. You can’t fight my #LenLen content. 3. Leni Robredo will never be president."
"Your Hate will not translate to Votes. IYAK." pagdidiin pa ni Yap.
May kalakip din itong mga hashtag na:#thecolorofHATE#thecolorofCANCEL#thecolorofPinkon
Samantala, mapapanuodang mga episodes ng Kape Chronicles sa kanyang Facebook page na VinCentiments.
Ang mga umereng episodes ay kinatampukan nina Senadora Imee Marcos, Roanna Marie, at Juliana Parizcova Segovia.