Habang pinalalakas ng mga kandidato sa pagkapangulo ang kanilang mga kampanya sa mga lungsod at lalawigan, maya paalala ang Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes, Peb. 11 — gawing prayoridad ang kaligtasan ng mga botante sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Noong Feb.8, opisyal na nagsimula ang campaign period para sa national elective posts, kung saan nagdaraos ang iba't ibang grupo at kandidato ng mga rally at motorcade kasama ang kanilang mga tagasuporta.
“All Presidential candidates and their campaigns should remember that the safety of the electorate should be their top priority during campaign sorties,” sabi ni Comelec Spokesperson James B. Jimenez sa Twitter.
“This means, at the barest minimum, face masks properly worn, and physical distancing properly maintained,” dagdag niya.
Nanindigan kamakailan ng Comelec na ang pagsusuot ng face shield ay kinakailangan sa mga campaign event dahil itinuturing ito ng poll body na "isang mahalagang pundasyon ng minimum health protocols."
Sinabi ng Comelec na binabantayan nila ang campaign sorties na lumalabag sa minimum health and safety protocols.
Ginagamit sa bansa ang mga proteksiyon tulad ng face shield at face mask sa layuning pigilan ang pagkalat ng kinatatakutang sakit.
Jel Santos