Walang prenong binanatan ni Kapamilya actress Angelica Panganiban para sa ikalawang campaign video series ng ‘Youth Public Servants’ ang mga ‘mambubudol’ na ‘nangangako ng gold.’ Muli rin nitong hinikayat ang mga botante na 'huwag bumoto ng magnanakaw' sa darating na eleksyon.

Para sa kanyang second strike, tinira ni Angelica ang mga naglipanang sinungaling sa gitna pa ng umiiral na pandemya.

“Mga sinungaling kasi naglipana. I remember so many people, mga mare. Pandemya na nga, nakuha pang mambudol ng kapwa,” ani Angelica.

Naging partikular naman ang aktres sa sunod nitong banat.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ang sinasabi ko, yung mga nagpi-fake bookings sa mga apps. Yung mga umo-order ng buong menu ta’s biglang hindi na mahagilap pagkatapos. Mga online sellers na hihingan ka ng downpayment o minsan nga full payment pa tapos blocked ka na pagkatapos,” sabi ni Angelica.

“Buti sana kung barya-barya lang pero pati essentials gaya ng gamot, oxygen, masks, face shields. Essentials lang pala, hindi kasama ang face shields. Sorry po,” makahulugang saad ni Angelica sa kontrobersyal na face shield.

Sunod na pinaalalahanan ng aktres ang nakataya ngayong darating na eleksyon dahilan para maging matalino dapat ang bawat botante sa pagkilatis ng pipiliing kandidato.

“Mga ate, kuya, buhay at ang pinag-uusapan natin dito. Kawawa yung mga totoong nangangailangan sa atin. Kaya ako one strike, one rule lang talaga ko. Wala ako sa mga second-chance second-chance. Sa mga kembak kembak na ‘yan. ‘Pag may history ng pambubudol, never again, never forget tayo,” pagpapatuloy ni Angelica.

Sa huli, nag-iwan ng paaala ang aktres sa kanyang manunuod.

“Kaya ngayong eleksyon mag-inagat tayo sa scammers. Naglipana yan. Iwasan yung mga nangangako ng gold, mambubudol yan,” ani Angelica.

“Wag na tayo magpauto at por diyos por santo, wag bumoto ng magnanakaw.”