Inirekomenda na ngPhilippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na sibakin na sa serbisyo ang isa sa pulis na idinadawit sa umano'y misencounter sa pagitan ng grupo nito at ng mga tauhan ngPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa binisidad ng isang shopping mall sa Quezon City noong 2021.

Sa kanilang report nitong Huwebes, bukod pa ito sa 10 pulis na na-demote bunsod ng reklamong direct assault at oppression.

Partikular na tinukoy ng IAS si CorporalAlvin Borja, nakatalaga saQuezon City Police District-Special Operations Unit (QCPD-DSOU)na itinuro ng mga testigo na bumaril sa isang PDEA agent at informant.

Nitong nakaraang Setyembre, sinampahan ng kaso ngNational Bureau of Investigation (NBI) si Borja dahil sa pagkakapaslang kayPDEA agent Rankin Gano.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Sa 41 na pulis na isinasangkot sa insidente, si Borja at 10 pulis lamang ang pinatawan ng parusa dahil na rin sa matibay na ebidensya.

Matatandaang apat ang naiulat na napatay matapos magbarilan ang PNP at PDEA sa isang umano'y anti-drug operation sa Commonwealth Ave., noong Pebrero 24, 2021.

PNA