Isa palang silver medalist sa 2019 Southeast Asian Games ang isa sa namatay nang masunog ang kanilang bahay sa Quezon City nitong Pebrero 9.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kanilang website at sinabing si Johanna "Jowi" Uy na bahagi ng Philippine women's team ay ay nakahablot ng dalawang medalyang pilak sa underwater hockey sa 30th SEA Games na ginanap sa Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang PSC sa mga kaanak ng mag-ina.

Bukod sa kanya, patay din ang kanyang inang si Helen, 67, matapos silang ma-trap sa nasusunog na tatlong palapag na bahay sa 11th St., New Manila, Brgy. Marian nitong Miyerkules ng madaling araw.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), dakong 5:00 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang bahagi ng unang palapag ng bahay ng mag-ina na natutulog nang maganap ang insidente.

Dakong 6:20 ng ng umaga nang maapula ang sunog. Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente.