Simula nang sumabog ang mga balitang hindi na nag-renew umano ng kaniyang kontrata sa GMA Network si Wowowin host Willie Revillame, naging maugong ang mga bali-balitang lilipat na siya sa itinayong TV network ng kaibigan at dating senador na si Manny Villar, na may pangalang 'Advanced Media Broadcasting System' o AMBS.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/06/willie-revillame-aalis-ng-gma-network-lilipat-nga-ba-sa-tv-station-ni-manny-villar/

Napabalita rin na nagsisimula na umano ang pagre-recruit ni Willie ng mga posibleng makasama niya roon, bitbit ang show niyang 'Wowowin', na hindi pa tiyak kung magkakaroon ba ng total rebranding dahil nga nasa ibang network na. Naibuking rin ng head dance choreographer ni Willie na si Anna Feliciano na naghahanap na sila ng mga bagong dancers para sa lilipatang 'bagong tahanan'.

Umikot din ang mga chika na kinausap na raw sina Sparkle GMA Artist Management consultant Johnny 'Mr. M' Manahan at dating ABS-CBN president Freddie M. Garcia upang sumama sa kanilang team, subalit tumanggi ang dalawa dahil sa kani-kanilang mga commitment sa kinabibilangang networks. Sa ngayon ay 'ekis' na umano ito.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Hanggang sa napabalita rin na inaawitan umano ni Willie ang kaibigang aktor na si John Estrada na samahan na siya sa bagong TV network, bagama't hindi pa kumpirmado kung totoo ito. Sa kasalukuyan ay bahagi si John ng teleseryeng 'FPJ's Ang Probinsyano' matapos niyang bumalik sa Kapamilya Network.

At naging maugong din ang mga chikang kasama rin sa hinihilot ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales, na kamakailan lamang ay umaming tinamaan ng COVID-19.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/13/mag-asawang-aga-at-charlene-muhlach-positibo-sa-covid-19/

Ibinahagi ni Aga sa kaniyang Instagram account na kasama nila ng misis na si Charlene ang TV host. Hindi nabanggit ni Aga kung tungkol saan ang kanilang napag-usapan, subalit may hashtag itong '#damingganap'.

"Masayang kwentuhan… Maraming salamat sa surpresang pagbisita sa amin, Wil!" caption ni Aga.

Kapansin-pansin namang nagkomento rito ang naging co-host ni Willie sa Wowowin na si Sugar Mercado.

"❤️❤️❤️Salamat kuya, ate @itsmecharleneg we loveyou GODbless❤️??," aniya sa comment section.

Willie Revillame, Aga Muhlach, at Charlene Gonzales-Muhlach (Screengrab mula sa IG/Aga Muhlach)

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Yey! More TV projects for Mr. Aga Muhlach and Ms. Charlene Gonzales-Muhlach."

"Tagal na nilang magkaibigan talaga."

"Sana maluto na ang niluluto, can't wait…"

"Mahuhusay na mga artista ma-pelikula man o game shows. Mabuhay po kayo!

Samantala, wala pang klaro, kumpirmasyon, o opisyal na pahayag ang mga artistang nabanggit tungkol sa mga plano ni Willie o ni Manny Villar sa kaniyang bagong TV network, na gagamit sa dating frequencies na ginagamit ng ABS-CBN noong may prangkisa pa ito. Ayon sa panayam ni Anthony Taberna kay Willie, nag-iisip-isip pa umano ang TV host kung ano ang mga susunod niyang hakbang ngayong wala na siyang kontrata sa Kapuso Network.

Speaking of ABS-CBN, how true na baka may blocktime agreement daw na magaganap at posibleng mapanood ang mga Kapamilya shows sa AMBS, kagaya ng kanilang set-up at partnership sa A2Z Channel 11 at TV5? Abangan na lamang ang mga 'pasabog' sa mga susunod na kabanata.