Buong tapang na inilahad ng social media personality na binansagang 'Mima ng lahat' na si Sassa Gurl ang kanyang pagsuporta kay presidential aspirant at Bise Presidente Leni Robredo.

Naniniwala si Sassa Gurl na hindi eleksyon ang makakasagot sa mga isyu ng bayan tulad ng kahirapan at kurapsyon ngunit para sa kanya, ito ang unang hakbang sa pagtatapos nito.

Hinihikayat naman niya ang lahat na makilahok lalo na sa panahon ng eleksyon.

"Hindi election ang makakasagot ng issue, kahirapan at kurapsyon na meron tayo ngayon. Pero mahalagang makisali sa usapin at lumahok sa pagboto dahil isang hakbang to sa pagbabago. Ang laban ay patuloy hindi lang sa araw ng eleksyon, ang laban ay ang masa," tweet ni Sassa.

Para kay Sassa, naging basehan niya sa pagpili ng ibobotong pangulo ang "marunong makinig," "may kakayahang mamuno nang tapat," at "may puso para sa masa."

Larawan: screenshot mula sa tweet ni Sassa Gurl

Kaya naman ang sagot ni Sassa, "Pinipili ko personal na iboto si VP Leni Robredo."

Si Sassa Gurl ang kauna-unahang transwoman na naging calendar model ng isang whisky brand.

BASAHIN: Sassa Gurl, bagong calendar model ng isang whisky brand

Bukod kay Sassa, marami na ring social media personalities ang nagpayahag ng pagsuporta kay Robredo tulad ni Pipay, Gaia Polyhymnia, at Yasmin Marie Asistido o mas kilala bilang “Kween Yasmin.”

BASAHIN: Kween Yasmin, certified ‘Kakampink’

“Meron po ba kayo napansin sa suot kong color? Pink tayo guys let Leni lead,” ani Kween Yasmin.