Pinasalamatan ni dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at tumatakbong senador sa ilalim ng UniTeam na si Mark Villar si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga dahil sa pagsisilbi nitong host sa ginanap na UniTeam proclamation rally sa Philippine Arena noong Pebrero 8, 2022.

Nauna nang pinasalamatan ni Mark ang TV host noong Pebrero 9, nang ibahagi niya sa kaniyang social media ang video clip ng ginawang pagpapakilala sa kaniya ni Toni sa mismong programa.

Toni Gonzaga (Screengrab mula sa FB/Mark Villar)

"Ang susunod na senatoriable, markadong-markado sa akin, malapit po sa puso namin ito, kaibigan namin, at talagang masasabi namin, isa sa mga pinakamagandang katangian niya, ay napakamapagkumbaba! Hindi nagsasalita, pero sumisigaw ang gawa!" panimula ni Toni.

"Hindi alam ng marami, naging mambabatas na po ang ating susunod na kandidato. Dating congressman, na marami nang ginawa para sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan. Lalo pa natin siyang nakita---ang husay at galing, nang maging secretary siya ng Public Works and Highways, kung saan bumulusok ang imprastraktura, trabaho, at kabuhayan."

Caption ni Sec. Mark, "Maraming salamat, Toni! ??????."

May be an image of 4 people, people standing and indoor
Mark Villar, Toni Gonzaga, at Emmeline Yan Aglipay (Larawan ng FB/Mark Villar)

At nitong Pebrero 10 ay muling nag-post si Mark ng litrato nila ni Toni kasama ang misis na si Department of Justice Undersecretary Emmeline Yan Aglipay.

"Forever grateful for the support and friendship, Toni! We are always 100% behind you. ??????" caption ni Mark.

Sa kaniyang Instagram story, nagsabi naman ng 'You're welcome' si Toni na naka-tag sa IG ng mag-asawa.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-208.png
Toni Gonzaga (Screengrab mula sa FB/Mark Villar)

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/10/toni-kay-bbm-youre-welcome-my-president/

Sa ngayon ay may mga nakaabang na sa susunod na mga hakbang ni Toni matapos magbitiw bilang main host ng PBB. Bagama't iginagalang umano ng PBB at ABS-CBN management ang personal na desisyon ng TV host, hindi naman nabanggit sa opisyal na pahayag kung mananatili pa ba itong Kapamilya.

Maugong ang mga bali-balitang baka lumipat si Toni sa bagong Villar network at magsama sila sa isang show ni Willie Revillame, na hindi naman nag-renew ng kontrata sa GMA Network. Ayon pa sa mga chika, mukhang co-owner ng dating senador ang TV host ng Wowowin.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/

Hindi naman daw imposible na tuluyan na ngang iwanan ni Toni ang ABS at lumipat sa Advanced Media Broadcasting System o AMBS upang suportahan ang pamilya ng kaniyang kaibigan.

Kaya abangan na lamang ang mga susunod na kabanata!