Ipinagtanggol ng kilalang direktor na si Manny Castañeda ang TV host-actress na si Toni Gonzaga na 'nacancel' sa social media dahil sa pag-host ng proclamation rally at pagpapakita ng suporta sa UniTeam na pinangungunahan nina dating Senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte, na ginanap sa Philippine Arena noong Pebrero 8, 2022.

Ayon sa kaniyang social media post, kagaya umano ni Toni ay marami sa mga artista at iba pang mga taga showbiz industry ang hindi umano boboto kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo, subalit pinipili na lamang manahimik dahil sa mga 'Pinklawan'.

"Tulad ni Toni Gonzaga, maraming mga artista at mga taga showbiz ang hindi boboto kay Leni Robredo pero tahimik lamang sila dahil sa mga Pinklawan na masyadong agresibo, palaaway, at saksakan ng bastos," ayon sa direktor.

Dagdag pa niya, "At kapansin-pansin din na lalong dumarami ang mga artista na umaayaw kay Leni dahil sa mga masamang ugali ng mga Pinklawan."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa FB/Manuel 'Manny' Castañeda

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Tama! At hindi lahat ay kaya maging isang Toni G kaya mas minabuting manahimik na lang kaysa kuyugin ng mga buang at lutang."

"Patawa din si beks ay, tumingin ka sa paligid at manalamin ka pag may time."

"Sobra Direk kung maka-bash and nagwi-wish pa nang masama sa kapwa. Kung makapanghusga wagas, kung maka-cancel ng tao parang sila na ang pinagpala. Pero karma is real kaya babalik din sa kanila lahat."

"Check po. Pero to be fair marami din namang bastos sa kabilang camp, hindi lang naman sa kanila. Ayoko talaga ng mga nagmumura in public regardless of the reason. Pasensya na po."

"Ganoon din ka-rabid ang mga pro-Marcos. Mas masahol pa."

"Maraming patango-tango at pangiti-ngiti lang sa mga 'yan para iwas-gulo pero pag halalan na, doon ilalabas ang tunay na gusto."

Dahil sa cancel culture at pag-kuwestyon sa kaniyang delicadeza, ito umano ang dahilan kung bakit nagbitiw bilang main host ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na kasalukuyang umeere sa mga platform ng ABS-CBN.