Mahigit sa isang libong empleyado ng Manila Health Department (MHD) ang nagsimula nang sumailalim sa kanilang Annual Physical Examination (APE) upang matiyak na sila ay nasa perpektong kundisyon ng kanilang kalusugan sa pagganap ng kanilang responsibilidad sa lungsod.

Ayon kay Manila Vice Mayor at Mayoralty candidate Honey Lacuna, ang nagsabing hakbang ay alinsunod sa polisiya nila ni Manila Mayor Isko Moreno na gawing prayoridad ang kalusugan, hindi lamang ng mga residente ng lungsod kundi maging ng mga empleyado nito.

Sinabi ng bise alkalde na si MHD chief Dr. Arnold Pangan ay nagpalabas ng memorandum at inaatasan ang lahat MHD employees na sumailalim sa APE.

Ani Pangan, ang malusog na pangangatawan ng mga city employees ay may mahalagang papel sa epektibo at maayos na paghahatid ng basic health services sa lungsod.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“This is the fundamental basis emphasized on the mandate of Administrative Order No. 402 S. 1998 issued by Malacanang and DOLE Department Order No. 154 Series of 2016 on Occupational Safety and Health Standards of the Philippines in the establishment of health programs for government personnel,” sabi ni Dr. Pangan, sa kanyang memo na may petsang Pebrero 4, 2022.

Nabatid na ang schedule nang pagsasailalim sa APE ng central office-based employees ay itinakda mula Pebrero 7 hanggang Pebrero 14 habang ang para naman sa Field Offices Employees ay isasagawa mula Oktubre 1 hanggang 6.

Ayon kay Lacuna, ang APE ay mandatory sa lahat ng MHD personnel.

Mary Ann Santiago