Mukhang may pinariringgan ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan na si Kakie, sa kaniyang latest tweet.

"Ok lang sana kaya naman irespeto (?) basta aminin lang din nila na ok sa kanila ang mga mamamatay-tao, magnanakaw, at sinungaling… o 'di ba ba't biglang ang hirap ?" aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Kakie Pangilinan

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Bagama't wala namang pinangalanan o tinukoy, ipinagpalagay ng mga netizen sa comment section na may kinalaman ito sa mga celebrity na nagpakita ng pagsuporta sa kandidatura ng iba't ibang mga partido.

"I’ve heard people say 'ok lang magnakaw basta may nagagawa' so kung gamitin ko yung logic na 'yun sa mama ko, kuhaan ko siya ng 5k sa wallet pero maglilinis naman ako ng bahay, ok lang 'yun no?."

"Ang bait-baitan ay mapupunta sa langit-langitan. Ennn ayyyy tenkyow!"

"Plus sabi nga sa PBB, 'Ang respeto, hindi yan ini-impose Maricris! Ine-earn 'yan."

Samantala, may pahabol namang tweet si Kakie.

"Kung matanggal ulit Twitter privileges ko just remember mahal ko sina KathNiel, pati na rin sina #LeniKiko char."