Patuloy sa pagkakaloob ng booster vaccination ang Kamara sa ilalim ng liderato ni Speaker Lord Allan Velasco para sa mga kasapi ng Kapulungan at mga sa kawani nito upang maiwasan ang hawahan sa COVID-19 at ng malulubhang sintomas ng virus.

Sinabi ni Medical and Dental Service (MDS) Director Dr. Jose Luis Bautista, na sa pamamagitan ng Congvax drive-thru booster vaccination, mahigit na sa 1,000 ang naturukang mga mambabatas at empleado.

Iginiit ni Bautista na sa pamamagitan ng booster vaccination, mapoprotektahan ang bawat isa sa pagkakaroon ng malubhang sintomas ng COVID-19.

Tiniyak ni Bautista na ang booster vaccination drive ay magpapatuloy kahit sa panahon ng election break para ma-accommodate ang mga nais pang magpabakuna.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, inanunsiyo ni Bautista na nagpaplano sina Velasco, Secretary General Mendoza at ng MDS, na magpatupad ng mas marami pang proyekto na naglalayong maisulong ang kalusugan at kaligtasan ng mga mambabatas, kawani at staff.

Bert de Guzman