Tinanggihan daw ni 'Idol Philippines' contestant Matty Juniosa ang alok sa kaniyang kumanta para sa kampanya ng UniTeam nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Sara Duterte, ayon sa kaniyang tweet nitong Pebrero 10, 2022.

Si Matt ay isang certified Kakampink at hindi raw niya maaatim na sunggaban ang offer kahit na 'broke' siya o nangangailangan siya ng pera.

"Today I declined an offer to sing for a BBM campaign in my city. Might be a broke singer but I just can’t do it," aniya.

"Lord, please #LetLeniLead and give me some kind of work. I’m broke but the only thing I’m desperate for is a win for Leni."

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Screengrab mula sa Twitter/Matty Juniosa

Willing na willing umano si Matty na maging volunteer sa kampanya ni VP Leni, sa pamamagitan ng kaniyang pag-awit.

Sa isa pang tweet, tuwang-tuwa siya nang mapansin daw ni VP Leni ang kaniyang tweet.

"MADAM VP SAW THE TWEET. OH MY," aniya.

Isang Kakampink netizen naman ang nangakong tutulungan si Matty upang makakanta sa mga event na may kinalaman sa kampanya ng kaniyang 'manok' sa pagkapangulo.

"Forwarded your contact deets to friends/people who might need professional entertainers. Will pray for your future successes."