Kung hayagan na ang pagsuporta ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga kay presidential aspirant Bongbong Marcos, ganoon din ang pagsuporta ng mister niyang si Direk Paul Soriano, na siyang nagdirehe ng UniTeam proclamation rally na ginanap sa Philippine Area noong Pebrero 8, 2022.

Sa kaniyang Instagram post nitong Pebrero 10 ay ibinahagi ni Direk Paul ang kanilang litrato ng misis na si Toni Gonzaga na siya namang nagsilbing host ng proclamation rally ni BBM.

"My President @bongbongmarcos #PBBM✌???" nakasaad sa caption ng IG post ni Direk Paul.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Toni Gonzaga, Paul Soriano, at Bongbong Marcos (Screengrab mula sa IG)

Paul Soriano at Bongbong Marcos (Screengrab mula sa IG)

Biro ng mga netizen, from 'PBB' na Pinoy Big Brother to 'PBBM' o President Bongbong Marcos na raw si Toni Gonzaga, matapos niyang magbitiw bilang main host nitong Pebrero 9, 2022. Ipinasa na niya ang korona sa co-host na si Bianca Gonzales, na isa namang certified Kakampink.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/09/evicted-toni-gonzaga-napaulat-na-mawawala-na-sa-pinoy-big-brother/">https://balita.net.ph/2022/02/09/evicted-toni-gonzaga-napaulat-na-mawawala-na-sa-pinoy-big-brother/

Samantala, kapansin-pansin naman na isa sa mga celebrity na nagkomento rito si Miss Q&A Grand Winner Juliana Parizcova Segovia, na kamakailan lamang ay tampok sa parody video ng campaign ad ni Angelica Panganiban.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/03/vincentiments-naglabas-ng-parody-sa-campaign-video-ni-angelica-panganiban/">https://balita.net.ph/2022/02/03/vincentiments-naglabas-ng-parody-sa-campaign-video-ni-angelica-panganiban/

Bukod kay Toni, nakatikim din ng 'cancel culture' ang direktor dahil sa pagpayag na maging direktor ng campaign ads ng UniTeam.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/30/paul-soriano-kinuyog-dahil-sa-resibo-ng-tv-shoot-ng-unity-ad-sa-panahong-may-sakit-si-bbm/

Trending sa Twitter ang direktor matapos kumalat ang mga litrato ng kaniyang behind-the-scenes ng kaniyang TV shoot sa advertisement ng Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem.

Kinukuwestyon kasi ng mga netizen ang petsang nakalagay sa clapper (January 8) kung saan makikitang nagsagawa umano sila ng shooting, gayong noong January 7 ay hindi dumalo si BBM sa hearing ng kaniyang disqualification case sa Comelec dahil kailangan umano niyang sumailalim sa isolation, dahil sa COVID symptoms noong January 6. Isang medical certificate pa ang nailabas na may petsang January 7.

Ngunit kaagad namang ipinaliwanag ni Direk Paul ang kaniyang panig sa pamamagitan ng tweet, kalakip ang ilang mga litrato. Aniya, totoo na may shoot sila noong January 8 subalit hindi kasama rito sina BBM at Sara. Ang tanging kasama lamang niya ay ang mga staff at crew. Ang nakita umano ng mga netizen ay ang mga nauna na nilang shooting, kaya inakala nilang kasama si BBM sa January 8 shooting.

Si BBM ay ninong sa kasal nina Direk Paul at Toni.