Naitsa-puwera na rin si reelectionist Senator Sherwin Gatchalian sa senatorial lineup ng grupo nina presidential aspirant Panfilo Lacson at vice presidential candidate Vicente "Tito" Sotto III.

“I have worked first hand with Senator Lacson and SP (Senate President) Sotto and I have nothing but utmost respect and admiration for the two gentlemen. I have seen their dedication to serving our people and their pure love for our beloved country," paglilinaw ni Gatchalian.

Kaagad ding humingi ng paumanhin si Gatchalian sa idinulot na hindi "pagkakaunawaan."

Sa kanyang Twitter post nitong Huwebes, nilinaw ni Lacson na hindi na kabilang sa kanilang senatorial slate sina Gatchalian at dating Quezon City Mayor Herbert "Bistek" Bautista.

Nag-ugat ang usapin nang makita ang dalawa sa isinagawang proclamation rally ng UniTeam nina dating senadorFerdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan nitong Pebrero 8.

"Obviously, they are not ours. They now cease to be part of the Lacson-Sotto team,” dugtong pa nito.

PNA