Hindi nakaligtas sa “Pambansang Marites na lalaki’’ na si Christian “Xian” Gaza ang mga Gonzaga nang ibinunyag nito ang umano’y naging encounter niya sa pamilya noong 2020 sa Singapore kung saan “ipinahiya” at tinawag siyang “scammer” ni “Mommy Pinty” sa harap ng kanyang kasamang babae.

“[Noong] January 2020 eh nagpunta ako sa Marina Bay Sands kasama yung isa kong sugar baby. Naghanap kami ng cafe kung saan maaaring tsumibog at uminom ng milk tea,” pagbabahagi ni Xian sa isang mahabang Facebook post.

Dito na umano na-encounter ni Xian ang pamilya Gonzaga. Idinetalye niya ang naging reaksyon nina Alex Gonzaga at “Mommy Pinty" nang makita siya sa isang cafe.

“Pag-upo ko... sa dami-dami ng tao sa mundo... ang kaharap ko pa talaga ay si Alex Gonzaga kasama ng kanyang ermats at erpats. Destiny nga naman. Ang Mommy Pinty mo eh shookt na shookt ang feslak. Ang Alex naman ay medj lumaki ang mata. Ang sama ng tingin nila sa akin. Parang nakakaloko,” pagpapatuloy niya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sunod na umano’y “humirit” si Mommy Pinty kay Alex ng, “Scammer ‘yan ‘di ba?” na agad sinita ng actress-vlogger.

“Wanted ‘yan ‘di ba?’ Ba’t nandito ‘yan? Akala ko nakakulong ‘yan?” pagpapatuloy na sabi pa raw ni Mommy Pinty kay Xian.

Dahil dito napahiya raw siya sa kanyang “bebe ghorl” na kasama niya noon.

Inamin naman ni Xian ang naging pagkukulang nito noon kaya't naharap sa ilang reklamo.

“Nahusgahan yung buong pagkatao ko na para bang ang sama-sama ko. Ang tanging kasalanan ko lang naman sa batas ay nag-issue ako ng 11 checks na walang pondo. Na-bankrupt lang talaga. Hindi ko naman sinadya o ginusto,” ani Xian.

“Eh bakit ang mga Marcos? Grabe sila sa akin,” resbak na tanong ni Xian sa mga Gonzaga na kilalang tagasuporta ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kontrobersyal ang pamilya Marcos kaugnay ng umano’y nalimas nitong ill-gotten wealth na aabot sa US$5-10 bilyon mula 1965 hanggang 1986. Sa tala ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), mula 1986 hanggang December 2015, tinatayang nasa P170 bilyon na ang narekober ng pamahalaan mula nang simulang bawiin sa mga Marcos ang mga nasabing nakaw na yaman.

Wala pang tugon ang mga Gonzaga sa paratang.