Halo-halo ang naging reaksyon ng publiko nang mabalitaan ang pagbibitiw ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga bilang main host ng reality show na 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10', matapos 'ma-cancel' sa social media at punahin ng ilang mga netizen ang pagpayag niyang maging host ng UniTeam proclamation rally nitong Pebrero 8, 2022.

Marami sa mga naging kritiko ni Toni ang kumuwestyon sa 'loyalty' at delicadeza ng TV host-actress, dahil isa sa mga senatorial candidate na ipinakilala niya ay si Congressman Rodante Marcoleta, na isa sa mga gumisa sa ABS-CBN franchise renewal noong 2020. Kinukuwestyon

Ngunit kung babalikan, mismong si ABS-CBN Film Productions, Inc. managing director Inang Olivia Lamasan na ang nagsabing malaki ang naitulong ni Toni sa mga natanggal na empleyado ng network simula nang mag-retrench ito. Isa umano si Toni sa mga pumayag na 'mataga' o mabawasan ang bahagi ng kanilang talent fee para sa kapakanan ng mga ABS-CBN workers.

Sa naging birthday celebration ni Toni noong 2021, nagpaabot ng pagbati si Olive sa kaniya noong January 17, na umere sa 'I Feel U' sa ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dito ay ibinuking ng award-winning director na malaki ang pasasalamat niya kay Toni sa pananatili at pagsuporta nito sa Kapamilya Network, at ang pagpayag nitong matapyasan ang kaniyang talent fee.

“Happy birthday Tin. I am sending you my heart so full of love and gratitude for everything, for all the support that you have given ABS-CBN, ABS-CBN Films, Star Cinema."

“Sobrang maraming salamat anak. Thank you so much for staying on with us."

"Alam n'yo po mga kaibigan, ito pong si Toni gave a generous portion of her talent fee, if not all, 'di ba anak? Para po sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan po ng trabaho noong inorder po ng Congress na i-shutdown kami."

"I will never forget that kasi napaiyak mo ako noon sa sobrang kalakihan ng puso mo at kabutihan mo, Toni. Maraming- maraming salamat."

"I pray that God returns your generosity a thousandfold and that blessings may continue to abound you in all aspects of your life," pahayag pa ng emosyunal na si Inang Olivia Lamasan na siyang naging direktor ng blockbuster movie ni Toni na 'Starting Over Again' sa Star Cinema.

Iyan din ang naging pasasalamat ni Direk Laurenti Dyogi kay Toni nang makapanayam ito ng TV host-vlogger sa kaniyang talk show vlog na 'ToniTalks' noong Oktubre 10, 2021.

Marami naman sa mga netizen ang nagbigay ng haka-haka kung ano ang mga next move ni Toni ngayong nagbitiw na siya sa PBB. Ibig bang sabihin nito ay iiwanan na rin niya ang Kapamilya Network? May umuugong din kasing chika na baka open arms siyang tanggapin sa bagong TV network na pagmamay-ari ng dating senador na si Manny Villar. Wala pang inilababas na opisyal na pahayag ang ABS-CBN kung mananatili pa ba sa kanilang poder ang TV host-actress.

May mga nagsasabi rin na baka sasama lamang si Toni sa pangangampanya ng UniTeam, kaya iiwanan na niya muna ang hosting, at pahuhupain ang 'kainitan' ng isyu sa kaniya.

Well, lahat ay nakaabang na sa mga susunod na kabanata!