Inindorso pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Joseph Victor "JV" Ejercito sa pagka-senador sa 2022 National elections.

Kabilang si Ejercito sa senatorial ticket nipresidential candidate Senator Panfilo Lacson.

Sa isang video na isinapubliko ng kampo ng dating senador nitong Miyerkules, inilarawan ni Duterte si Ejercito bilang isang "kaibigan at kaagapay ng administrasyon."

“I endorse JV Ejercito as he runs for the Senate in the upcoming elections. JV Ejercito has always been a friend and a partner of this administration in pushing for advocacies that advance our development agenda, especially for the poor.I know that he has always served our country and people with diligence and hard work. I hope that you’ll give him another chance to serve you. Good luck JV at mabuhay ka!” pagdidiin ng Pangulo.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Kabilang si Ejercito sa tumulong upang maipasa angUniversal Healthcare (UHC) Act, gayundin sa pagpasa ng batas sa paglilikha ngDepartment of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Nangako rin si Ejercito na maipagpatuloy ang pagpapatupad ng UHC at maisulong angmass transit at infrastructure development apag nanalo ito sa pagka-senador sa eleksyon sa Mayo 9.

"Thank you, President Duterte, for your kind words as we campaign for a comeback in the Senate. I am honored and flattered. We will remain true to our promise to continue pushing for better healthcare and better infrastructure development in the country,” tugon naman ni Ejercito sa naging hakbang ng Pangulo.

Hannah Torregoza