Pinabulaanan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison ang kamakailang kumalat na balita kaugnay ng kanyang umano’y pagpanaw.

“I am still alive. And I am celebrating my birthday today. Those spreading the rumours that I am dead are liars,” sabi ni Sison sa isang pahayag kasunod ng ulat ng Philippine Anti-Communist League na namayapa na ang CPP founder.

Ibinahagi pa ni Sison na nagdiwang ng kanyang ika-83 kaarawan nitong Martes, Pebrero 8 na siya'y nasa maayos na kalusugan maliban sa pamamaga ng kanyang paa dala ng kanyang rheumatoid arthritis.

“I have no life-threatening illness, only some inflammations on the legs due to rheumatoid arthritis the other day and yesterday. These go away in only 2 to 4 days after medication,” ani Sison.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Joma Sison/Larawan mula sa kanyang Facebook account

Nagbahagi pa ito ng kanyang mga nakalinyang gawain sa susunod na mga araw.

“I am healthy and will deliver in the coming days two separate lectures by Zoom on fascism before and after World War II and on the 2022 elections in the Philippines

I will also introduce by Zoom the screening of Paloma Polo’s El Barro de la Revolucion in Spain. This is about the current people’s war in the Philippines,” dagdag ng pahayag.

Parehong hindi kinumpirma nina Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang mga nasabing ulat ng pagpanaw ni Sison.

Una namang nagdiwang si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Loraine Badoy kaugnay ng balita.

“Biro n’yo, na-deds si Joma bago matapos ang termino ni PRRD. Eh si PRRD kaya ang chair ng NTF ELCAC. Ang laki naming kunsumisyon kay Joma. Strategy namin para ikamatay nya. Lol,” sabi ni Badoy sa isang Facebook post noong Lunes, Pebrero 7.

“So na-end talaga ni PRRD ang halimaw na naglikha ng Communist Armed Conflict sa Pilipinas. Magician talaga boss ko. Kaya ko sya labs, alam nyo? Dami kong na-witness na magic nyan,” dagdag niya.

Kasunod ng pahayag ng kampo ni Sison, muling naglabas ng panibagong pahayag ang NTF-ELCAC official.

“Wag kayo malungkot na buhay pa itong Satanas na pumatay ng mga hindi mabilang na mga kapatid nating katutubo at hindi mabilang na mga anak natin, mga sundalo at pulis at sinira ang bansa natin,” ani Baduy sa isang Facebook post nitong Martes, Pebrero 8.

“Sana maiuwi natin ang halimaw na yan dito sa Pilipinas at DITO sya mamatay. Papipilahin ko ang mga nanay ng mga batang namatay bilang NPA, mga katutubong hindi nalaman pano mabuhay nang hindi naghihikahos, na ginawang NPA ang mga anak na pinaggagahasa, nagkandamatay,” dagdag nito.

Nauna nang sinabi ni Sison na “greatly exaggerated” ang kumalat na balita na ipinakalat ng Philippine Anti-Communist League at NTF-ELCAC.

Kahanay ng New People’s Army (NPA) bilang armadong organisasyon nito, itinatag ni Sison ang CPP noong Disyembre 1968 na nagsibol sa ilang dekada nang insurgency sa Pilipinas.

Nanatili na sa Netherlands si Sison simula pa noong unang mabigo ang peace talks nito sa administrasyon ni Corazon "Cory" Aquino noong 1987.