Halos 500,000 doses ng Pfizer vaccine laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang idiniliber sa bansa nitong Miyerkules ng gabi, ayon kay National Task Force Against COVD-19 Assistant Secretary Wilben Mayor.

Bago mag-10:00 ng gabi ng Miyerkules, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 ang Hong Kong Airlines flight mula sa Cebu, lulan ang 455,130 doses ng nabanggit na bakuna.

Paliwanag ni Mayor, ang naturang bakuna ay gagamitin sa mga nasa hustong gulang, kabataan at booster shots.

Sa kabuuan, 218,233,530 doses na ng bakuna ang natanggap ng Pilipinas, ayon pa kay Mayor.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela