Hindi na raw magsisilbing host ng sikat na reality TV show ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother” (PBB) ang actress-host na si Toni Gonzaga matapos maging laman ng usapan sa social media ang hayagang paglahok nito sa grand proclamation rally ng BBM-Sara UniTeam nitong Martes, Pebrero 8, na ikinadismaya rin ng ilang Kapamilya artists.

Basahin: Mga dati at kasalukuyang ABS-CBN workers, dismayado kina Toni, Karla? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, wala pang pormal na resignation si Toni ngunit personal umano nitong inendorso ang co-host na si Bianca Gonzales bilang main host ng programa.

Matatandaang nagpahayag si Toni ng pagkadismya noon nang maipasara ang kanyang mother TV network na ABS-CBN noong 2020.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Basahin: ABS-CBN, hindi benggador; Toni, resign na kung may delicadeza—Jerry Gracio – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

"Sa lahat ng mga nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang mga ginawa niyo sa mga trabahador ng ABS-CBN," pahayag ni Toni noon.

Nitong Martes, Pebrero 8, si Toni ang nagsilbing host sa grand proclamation rally ng UniTeam presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ilan sa mga pinunto ng netizens at ng Kapamilya artists ang pagpapakilala ng host kay senatorial aspirant at SAGIP Rep. Rodante Marcoleta na kilala bilang isa sa mga masugid na sumuri at gumisa sa kaso ng ABS-CBN sa Kongreso.