Tinanggal na si Herbert "Bistek" Bautista sa senatorial list ng grupo nina presidential candidate Panfilo Lacson at vice presidential bet Vicente "Tito" Sotto.

Ito ang kinumpirma ni Sotto, chairman ng Nationalist People's Coalition (NPC), sa isang pulong balitaan nitong Pebrero 9, na dinaluhan din ni Lacson, chairman ng Partido Reporma.

Pagkatapos ng media briefing, bumisita kaagad sina Lacson at Sotto sa Quezon City Hall.

Nag-ugat ang usapin kay Bautista, miyembro ng NPC, nang maiulat na dumalo umano ito sa isinagawang proclamation rally nina presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte sa Bulacan nitong Pebrero 8.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ito umano ang dahilan ng pag-absent ni Bautista saproclamation rally nina Lacson at Sotto sa Imus Grandstand sa Imus, Cavite nitong gabi ng Pebrero .

"Wala na. Now, sa party nila, desisyon nila kung e-expel nila si Herbert," sabi ni Lacson nang tanungin kung tinanggal na sa senatorial lineup ng kanilang grupo si Bautista.

"Disloyalty. Ako and chairman ng party eh," tugon naman ni Sotto nang tanungin ang dahil ng pagpapatalsik kay Bautista.

Binanggit din ni Lacson nagpadala sa kanila ng sulat si Bautista, gayunman, hindi nila umano ito maintindihan.

Nagpapaalam umano sa kanila si Bautista kung maaari siyang maging kinatawan ng NPC sa UniTeam ng Marcos-Sara tandem.

Mario Casayuran