Kagaya ng iba pang mga dati at kasalukuyang empleyado ng ABS-CBN, hindi rin napigilan ni Palanca awardee, ABS-CBN scriptwriter, at nominee ng Kapamilya ng Manggagawang Pilipino party-list na si Jerry Gracio na ipahayag ang kaniyang pagkadismaya sa pagiging host ni Ultimate Multimedia Star at isa sa mga pinakamalalaking bituin ng ABS-CBN na si Toni Gonzaga, sa ginanap na proclamation rally ng UniTeam sa Philippine Arena, nitong Pebrero 8, 2022.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/09/mga-dati-at-kasalukuyang-abs-cbn-workers-dismayado-kina-toni-karla/">https://balita.net.ph/2022/02/09/mga-dati-at-kasalukuyang-abs-cbn-workers-dismayado-kina-toni-karla/

Ang UniTeam ay pinangungunahan nina presidential aspirant at dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ngunit ang iniisyu ng mga avid fan, dati at kasalukuyang empleyado ng Kapamilya Network, ay ang buong-lugod umanong pagpapakilala ng TV host sa isa sa mga senatorial candidate ng UniTeam na si Congressman Rodante Marcoleta, na isa sa mga nanguna sa pagdinig ng franchise renewal ng ABS-CBN noong 2020.

"Tuwing maiisip ko na Marcos ang nagpasara sa ABS-CBN noong Martial Law, at Duterte ang dahilan kung ba't nawalan ng trabaho ang kapuwa ko manggagawa sa gitna ng pandemya, matay ko mang isipin, di ko kayang tumindig sa stage kung saan naroon ang mga Marcos, Duterte, Marcoleta," saad ni Jerry sa kaniyang tweet.

"Di ko masisisisi, kung magtatanong ang mga kapuwa ko manggagawa sa ABS-CBN, kung bakit nasa ABS-CBN pa rin si Toni gayong ini-endorse niya ang mga nagpasara sa kompanya; samantalang sila na nakipaglaban para sa network ay wala nang trabaho at nagdidildil na ng asin."

This image has an empty alt attribute; its file name is image-163.png
Screengrab mula sa Twitter/Jerry Gracio

Hindi naman umano 'benggador' o nakikialam ang network sa political stand ng kanilang mga artista at empleyado. Nasa delicadeza na lamang daw ng Pinoy Big Brother main host kung magbibitiw ba siya bilang empleyado ng Kapamilya Network, kung sakali man. Bali-balita kasing marami sa mga kasamahan niya sa reality show ang nadismaya sa kaniyang ginawa.

Ang mga kasamahan naman niyang hosts na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at Enchong Dee ay mga certified Kakampink.

"Well, hindi naman kasi benggador ang ABS-CBN. Kaya dapat ang burden ay na kay Toni. If she's endorsing politicians responsible for the shut down of the network where she works, she should resign out of delicadeza."

"Ang ibig kong sabihin, kung sinusuportahan niya ang mga politiko na nagpasara sa network, ba't di siya lumipat sa SMNI? I'm sure, Quiboloy would welcome her with open arms."

This image has an empty alt attribute; its file name is image-164.png
Screengrab mula sa Twitter/Jerry Gracio

Samantala, matatandaang noong 2020, sa kasagsagan ng pagbasura ng Kamara sa franchise renewal ng ABS-CBN, nagbigay ng pagsuporta si Toni sa Kapamilya Network at simpatya naman sa mga empleyadong nawalan ng trabaho dahil sa retrenchment, sa kasagsagan pa naman ng pandemya.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Toni na hindi nila makakalimutan ang ginawa ng mga taong nasa 'posisyon'.

"Everyday ang sakit magbukas ng Viber dahil nagpapaalam na lahat ng mga katrabaho namin sa'min. Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa n'yo sa mga trabahador ng ABS-CBN. You may have the power now but it will not be forever," aniya.

"I believe that no matter who the president is, JESUS is still KING and He is the name above ALL names. Lord yakapin mo po lahat ng mga Kapamilya namin na nawalan, nasasaktan at nanghihina. We will continue to keep our faith in Christ that He will sustain us during these trying times."

"Just like the positions of the people in power today, what we are going through will not last forever. Troubles come to pass, they don’t stay. Jesus said, when you go through deep waters I will be with you. One day He wipe these tears away and replace it with JOY beyond compare. Babangon tayong lahat muli."

Screengrab mula sa IG/Toni Gonzaga

Sa naging birthday greeting naman ni ABS-CBN Film Productions, Inc. managing director Inang Olivia Lamasan sa kaniya noong January 17, 2021 na umere sa 'I Feel U' sa ABS-CBN, sinabi ni Inang na malaki ang pasasalamat niya kay Toni sa pananatili at pagsuporta nito sa Kapamilya Network.

“Happy birthday Tin. I am sending you my heart so full of love and gratitude for everything, for all the support that you have given ABS-CBN, ABS-CBN Films, Star Cinema."

“Sobrang maraming salamat anak. Thank you so much for staying on with us."

Dito ay naibuking ni Inang na malaking bahagi ng talent fee ng TV host-actress ay pinayagan nitong mataga, para sa kapakanan ng iba pang mga empleyado ng ABS-CBN.

"Alam n'yo po mga kaibigan, ito pong si Toni gave a generous portion of her talent fee, if not all, 'di ba anak? Para po sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan po ng trabaho noong inorder po ng Congress na i-shutdown kami."

"I will never forget that kasi napaiyak mo ako noon sa sobrang kalakihan ng puso mo at kabutihan mo, Toni. Maraming maraming salamat. I pray that God returns your generosity a thousandfold and that blessings may continue to abound you in all aspects of your life," pahayag pa ng emosyunal na si Inang Olivia Lamasan na siyang naging direktor ng blockbuster movie ni Toni na 'Starting Over Again' sa Star Cinema.

Samantala, marami naman sa mga netizen ang bumalik sa naunang IG post ng TV host-actress-vlogger at nagbitiw ng kani-kanilang mga reaksyon at komento.

"Anyare?"

"Ang bilis nakalimot, Toni."

"Paano ulit yung pag-introduce kay Marcoleta?"

"Sana naisip mo po ito bago po endorse si Sara Duterte, o si Marcoleta na isa sa mga congressman na nag-vote ng no para mapasara ang home network mo."

"This did not age well. Eme eme mo, Celestine ha. Kaya di ka favorite eh."

Samantala, wala pang pahayag si Toni Gonzaga hinggil sa mainit na isyung ito.