Marami ang nagulat sa statement ng GMA-7 na hanggang Feb. 15 na lang ang kontrata ng “Wowowin: Tutok to Win” host na si Willie Revillame pati na ang kanyang show na hanggang Feb. 11 na lang eere.

Isa sa mga nagulat ay ang dating ABS-CBN broadcaster na si Anthony Taberna o mas sikat sa pangalang "Ka Tunying." Naging isa sa mga paksa niya sa kanyang kanyang Facebook Page live ang pumutok na balita tungkol kay Willie. Aniya hindi raw dapat pinapakawalan ng GMA-7 si Willie dahil sobrang lakas daw ng show.

Dahil na rin sa out of curiosity sa lumabas na statement ng GMA-7, ibinahagi niyang nagmessage daw siya kay Willie at tinanong ng “ano po ba ang balita?”

Sumagot naman daw si Willie. Saad daw ng TV host, magmumuni-muni muna raw ito kung ano ang susunod na gagawin dahil mahigit 6 years na raw si Willie na nagtatrabaho ng walang pahinga. Umayon naman si Ka Tunying sa tinuran ni Willie. Ok naman daw na magpahinga muna ang magaling na TV host dahil nararapat naman daw lalo’t dire-diretsong araw ang naging show ni Willie.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Pati ang bali-balitang lilipat umano si Willie sa channel 2 na pag-aari na ngayon ang frequency ng former senator at business tycoon na si Manny Villar na may company name na Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS) ay nabanggit din ni Ka Tunying.

Kaaliw lang nang sabihin Ka Tunying na magiging “Kapamella” na raw ang tawag kapag nasa network na ni Manny Villar. Halaw na rin ito sa mga naging komento ng mga netizens kaya nabanggit ni Ka Tunying.

Pambubuking pa ni Ka Tunying kaagad daw sa message tinanong pa raw siya ni Willie kung hanggang kailan ang kontrata nito sa DZRH, tila baga raw pipiratahin daw siya ng TV host sabay humagalpak ng tawa ang broadcaster. Pagbabahagi pa rin niya magkakaroon na raw yata ng test broadcast ang AMBS itong Feb. 14. Dagdag pa ni Ka Tunying baka raw pati radio nakuha na rin ni Manny Villar.

Well, abangan ang mga magiging kaganapan at pagsasalita ni Willie Revillame sa ilang araw pa na pamamalagi niya sa kanyang “Wowowin: Tutok to Win” sa GMA-7.