Nag-transform na bilang isang ganap na ‘artist’ ang unang grand winne ng The Voice Kids na si Lyca Gairanod, na litaw na litaw din ang ganda sa naganap na Wish Awards kamakailan.

Halos hindi na mababakas ang dating Lyca kasunod ng complete transformation ng 17 taong-gulang na singer sa naganap na 7th Wish Music Awards noong Pebrero 6, Linggo.

Suot ang silver custom dress, litaw na litaw pareho ang ganda at galing ni Lyca nang buong puso nitong inawit ang kanyang 2021 single “Malapit Na Akong Mahulog Sa Iyo.”

Napansin naman ng ilang netizens ang malaking improvements ni Lyca sa kanyang pag-awit mula noong unang sumalang siya sa The Voice Kids noong 2014.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

“It's absolutely beyond beautiful seeing Lyca finally having her moment. Totoo talaga na it's not a race and we have different timeline to follow. She's so talented and finally owning her own sound that mesmerizes everyone [emoji],” komento ng isang netizen.

“I think she already surpassed the stigma of being just the crowd's favorite and rise to the artist she is now, her talent is doubtlessly exuding and her ability to pour emotions is overflowing. More songs to come Lyca,’ segunda ng isa pa.

“I never took her seriously as an artist UNTIL THIS PERFORMANCE!!! This was aaahhhmmmmaaaazzzzinnnggg!”

“Ang laki talaga ng improvements ng boses ni Lyca. Isa pa sa mga gusto ko sa kanya na pangmasa yung boses niya pero nandun parin yung class [empoji]️ keep it up Lyca, ganitong mga boses ang hindi mo pagsasawaan pakinggan.”

“First time hearing Lyca again after The Voice Kids years ago. So happy she found her own sound without conforming to the 'birit' mold. Hoping for your success! Support OPM!”

“Been rooting for Lyca since the beginning. It's such a joy to see her growth as an artist through the years. She has really found her own sound now.”

“Wow she is so.good! I like her more now than when won the voice kids.”

“I always feel the emotion whenever she sings. I rarely see that talent sa ibang local singers natin. pwede pang ost boses. nakakaamaze sya.”

Una nang naging viral ang kanyang mga Wish bus performances sa mga kantang “Kabilang Buhay” bat “Akala Ko Ba” noong 2021.

Sa edad na 10, si Lyca ang kauna-unahang itinanghal na The Voice Kids Grand Champion noong 2014.