Maaari pa ring dalhin sa Amerika ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo C. Quiboloy kung hihilingin ang kanyang extradition sa kabila pa ng nakabinbing kasong kriminal nito sa Department of Justice (DOJ) ng Pilipinas.

Sinabi ni DOJ Chief State Counsel George O. Ortha II nitong Martes, Peb. 8, na ang isang “temporary surrender" ng isang tao sa Resquesting State ay maaaring gawin ng Resuqested State sa ilalim ng Article II ng Philippines-US Extradition Treaty.

“If the subject of the extradition is being prosecuted or is serving a sentence dito sa atin, pwede po ang temporary surrender,” paliwanag ni Ortha.

Binanggit niya ang Article 2 ng treaty na nagsasabing: “If the extradition request is granted in the case of a person who is being prosecuted or is serving a sentence in the territory of the Requested State, the Requested State may temporarily surrender the person sought by the Requesting State for the purpose of prosecution. The person so surrendered shall be kept in custody in the Requesting State and shall be returned to the Requested State after the conclusion of the proceedings against that person, in accordance with conditions to be determined by agreement between the Contracting Parties.”

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Nagawa na po ito before. Nakapag ‘pahiram’ na po tayo dati ng isang tao na noo’y nakapiit,” sabi ni Ortha.

Si Quiboloy at dalawang iba pang miyembro ng religious group ay kinasuhan noong Nob. 10, 2021 sa US District Court for the Central District of California sa Santa Ana, California para sa “conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy; and bulk cash smuggling.”

Dahil sa sakdal, naglabas ang US Federal Bureau of Investigation (FBI) ng mga “wanted” posters ni Quibuloy.

Sa Pilipinas, ibinasura ng Davao City Prosecution office ang reklamo ng umano'y panggagahasa at child abuse laban kay Quiboloy noong 2020.

Ngunit itinaas ng complainant sa DOJ ang resolusyon ng prosecutor na dismissal. Nakabinbin pa rin ang apela.

“Kung ma-dismiss pa rin yun appeal, at kung wala na syang kinakaharap na kaso dito sa atin, hindi na po applicable ang temporary surrender kasi posible na po ang extradition," ani Ortha.

Aniya pa, hindi nakatanggap ng kahilingan ang gobyerno ng Pilipinas mula sa gobyerno ng US para sa extradition ni Quiboloy.

Jeffrey Damicog