Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagbili at paggamit ng mga self-administered COVID-19 test kits na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Babala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring itong magkaroon ng false negative o false positive na resulta.

“Nagbibigay lang po tayo ng babala sa ating mga kababayan. Yung mga bumibili ng antigen test kits especially self-administered test kits na walang registration ng FDA, baka po kayo ay magkaroon ng false negative or false positive,” ayon kay Vergeire, sa panayam sa telebisyon.

Nabatid na hanggang noong Enero 24, nasa dalawa na ang self-administered COVID-19 antigen test kits na inaprubahan ng FDA.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kabilang dito ang gawa ng Abbott at Labnovation Technologies, Inc..

Sinabi naman ng Malacañang, na hanggang noong Enero 25, mayroon pang 31 manufacturers ng antigen COVID-19 self-test kits ang nakapagsumite na rin ng aplikasyon at naghihintay na lamang ng pag-apruba ng FDA.

Naglabas na rin naman kamakailan ang DOH ng mga guidelines sa paggamit ng mga self-administered antigen test kits.

Mary Ann Santiago