Pormal nang nagsimula ang proclamation rally ng mga labor candidates na sina presidential aspirant Ka Leody de Guzman, bise nitong si Prof. Walden Bello, at senatorial hopefuls na sina Luke Espiritu, Roy Cabonegro, David D’ na ginanap sa Bantayog ng mga Bayani, along Quezon Avenue.

Bukod sa mga nabanggit na pulitiko, dumalo rin ang Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist nominees gayundin ang local candidates mula sa iba't-ibang lungsod at munisipalidad.

Bukod sa aspirants na ka-partido ni de Guzman dadalo rin ang mga unyon ng manggagawa, maralita sa lunsod at mga asosasyon ng mga may-ari ng bahay, mga environmentalist, organisasyong masa ng iba pang marginalized na sektor at mga progresibong indibidwal upang magpahayag ng suporta para sa kanilang mga kandidato at kanilang mga plataporma.

May siyam na aspirant ang senate slate ni de Guzman na kinabibilangan nila Luke Espiritu, Roy Cabonegro, David D'Angelo na mula sa PLM; Chel Diokno na mula sa Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino; Risa Hontiveros ng Akbayan Party; Neri Colmenares at Elmer Labog ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan; Leila de Lima ng Liberal Party; at Sonny Matula na independent.

Iba't-ibang pang-kulturang grupo ang nagsagawa ng palabas bilang parte ng programa.

Samantala, sa isang press briefing, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez na wala umanong campaign permit ang proclamation rally ni de Guzman para ngayong araw.