Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang petisyon ni Tiburcio Marcos laban kay presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Sa matrix na ibinigay ng Comelec nitong Martes, Pebrero 8, ipinakita rito na "petition has been dismissed."

Dagdag pa nito, ang notice ay ipinadala na sa mga partido noong Enero 31.

Hindi nagbigay ng kopya ang poll body.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang naturang petisyon ni Tiburcio Marcos ay naglalayong ikansela ang certificate of candidacy (COC) ng dating senador.

Noong nakaraang taon, ibinasura rin ng poll body ang petisyon ni Danilo Lihaylihay na naglalayong ideklarang nuisance candidate si Marcos.

Samantala, noong Enero 17, ibinasura rin ng Comelec Second Division ang petisyon ni Fr. Christian Buenafe et al na nagnanais na ikansela ang COC ni Marcos Jr.

Leslie Aquino