Ibinahagi ni presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao ang pagpapaunlak niya sa imbitasyon sa groundbreaking ng Malibu-Matimco Village Homeowners Association, Inc. (MMVHAI) Housing Community Center sa Mandaue City, Cebu noong Pebrero 7, 2022.

Ayon kay PacMan, upang magkaroon ng maayos na lipunan, dapat magsimula ito sa maayos na tahanan.

"Naimbitahan po tayo dito sa Mandaue City para pangunahan ang groundbreaking ng Cebu housing community center.

Nagsisimula ang maayos na lipunan sa maayos na tahanan kaya yan talaga ang isa sa mga pagtutuunan natin ng pansin. Gusto kong mabigyan ng disenteng pabahay ang bawat pamilya na hanggang ngayon ay walang maayos na masisilungan," aniya sa kaniyang Facebook post.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

May be an image of 1 person, standing, indoor and text that says 'PA ALO LO 3'
Sen. Manny Pacquiao (Larawan mula sa FB)

May be an image of 6 people, child, people sitting and people standing
Sen. Manny Pacquiao (Larawan mula sa FB)

May be an image of 7 people, people standing and outdoors
Sen. Manny Pacquiao (Larawan mula sa FB)

May be an image of 5 people and people standing
Sen. Manny Pacquiao (Larawan mula sa FB)

May be an image of 6 people and people standing
Sen. Manny Pacquiao (Larawan mula sa FB)

May be an image of 2 people and people standing
Sen. Manny Pacquiao (Larawan mula sa FB)

May be an image of 6 people and people standing
Sen. Manny Pacquiao (Larawan mula sa FB)

May be an image of one or more people, people standing and crowd
Sen. Manny Pacquiao (Larawan mula sa FB)

Mainit siyang sinalubong ng mga residente rito at tinawag siyang Ambassador for the Homeless and Vulnerable'.

"It’s a huge honor for me to be named “Ambassador for the Homeless and Vulnerable”. Daghang salamat SRG, CDMC PDO, Vincentian Foundation, MMVHAI and our LGU for joining me in helping make Filipino lives better, one house at a time!"

Sa isa pang video, makikitang naghihiyawan ang mga residente sa Sitio Malibu at Matimco nang makita nila ang Pambansang Kamao at kandidato sa pagkapangulo.

Bukod sa pagdalo sa groundbreaking ay naghandog din ang kaniyang team ng mga generator, batay sa isa sa mga kuhang litrato niya.