Hindi papapasukin ng mga organizer sa grand proclamation rally ng BBM-Sara Uniteam sa Philippine Arena ang mga hindi bakunadong indibidwal, ayon sa event guidelines na inilabas ng Uniteam official.

Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, mahigpit na hinihikayat ng Uniteam ang mga dadalo na sundin ang minimum health protocols sa grand proclamation rally nina Presidential aspirant Bongbong Marcos at Vice Presidential aspirant Sara Duterte ngayong Martes, Pebrero 8.

Habang boluntaryo ang pagsusuot ng face shield, hinimok ng mga organizers ang mahigpit na pagsusuot ng face mask sa buong duration ng event.

Binigyang-diin din ng Uniteam ang patakarang 'No Vaccination Card, No Entry' sa gaganaping rally.

Larawan mula Uniteam

Ipinagbabawal din ang ‘big bags and ruck sack’ sa loob ng arena. Hindi rin papayagan na makapasok ang mga menor de edad, may comorbidities, immunodeficiency, at mga buntis.

Nakatakdang ganapin ang grand proclamation rally ng Uniteam sa ika-4 ng hapon ngayong araw ng Martes sa Philippine Arena sa Sta. Maria Bulacan.