Mahigit 17 milyong balota ang naimprenta na para sa botohan sa Mayo 2022.

Sa nasabing bilang, 60,000 ang para sa local absentee voting (manual); 79,080 ang para sa overseas voting (manual); 2,588,193 ang para sa BARMM; 1,618,122 ang para sa overseas voting (AES); 86,280 ang para sa 63 barangay sa North Cotabato (manual); 1,868,798 ang para sa CARAGA; 2,606,492 ang para sa Rehiyon 12; 3,236,251 para para sa Rehiyon 11; 3,060,485 ang para sa Rehiyon 10; at 2,298,930 para sa Rehiyon 9.

Noong Pebrero 7, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na 17,502,641 na mga balota ang naimprenta na sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

“As you can see we have quite a way to go but its also very important to note that this is already a significant chunk of the total work that we need to do,” sabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang online press briefing nitong Martes, Pebrero 8.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Nagsimula ang pag-imprenta ng balota noong Enero 20 sa manual ballot para sa Local Absentee Voting (LAV), na sinundan ng mga manual ballot para sa pagboto sa ibang bansa, at ang automated election system ballot para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Target ng Comelec na matapos ang pag-imprenta ng lahat ng opisyal na balota sa Abril 21.

Nakatakdang mag-print ang poll body ng higit sa 67 milyong balota para sa halalan sa Mayo 2022.

Leslie Ann Aquino