Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng tapyas sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon sa Meralco, bababa ng₱0.1185 kada kilowatt hour (kWh) ang singil nila sa kanilang February bill.

Dahil dito, ang overall rate para sa buwan ng Pebrero ay aabot na lamang sa₱9.5842/kWh mula sa dating ₱9.7027/kWh noong Enero.

Katumbas ito ng₱24 na bawas sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan; halos₱36 naman sa mga nakakagamit ng 300 kWh na kuryente;₱46 sa mga kumukonsumo ng 400 kWh; at₱59 sa konsumong 500 kWh kada buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinaliwanag naman ng Meralco na ang bawas-singil ay dahil sa pagbaba ng generation charge na dulot nang pagmura ng kuryente sa spot market at mga power supplier.

Anang Meralco, bumaba ang generation charges para sa nasabing buwan ng₱0.2305/kWh o naging ₱5.1957 mula sa dating ₱5.4262, dulot ng lower chargesmula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Independent Power Producers (IPPs).

Ito na ang ikalawang sunod na buwang nagkaroon ng bawas-singil sa kuryente ngayong taon.

Mary Ann Santiago