Nagsimula nang mangampanya ang re-electionist Kabataan Party-list ngayon araw, Pebrero 8. Kasabay ng kampanya, nagsasagawa rin ang KPL ng national caravan para sa sinusuportahan nitong aspirants na sina Elmer 'Ka Bong' Labog at Neri Colmenares para sa senado, at tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan naman para sa pinakamataas na posisyon.

Larawan: Sarah Elago/FB

Sa Facebook post ng KPL, ipinakita nito ang pagsisimula ng caravan mula sa UP University Avenue na magtatapos sa Monumento ng Katipunan sa Caloocan City.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"#LabanKabataan para sa… Ibigay ang iyong sagot sa pagtake ng pictures sa ating Kabataan Car photo booth! Sa ating opening salvo kasama ang caravan ng buong makabayan ipakita natin ang pagkakaisa para sa makabayang pagbabago! #95KABATAAN," pahayag ng re-electionist party.

"KABATAAN kicks off #95KABATAAN #LabanKabataan campaign with national caravan for #Colmenares4Senator #37LABOGsaSenado #LeniKiko2022," tweet ng outgoing representative na si Sarah Elago.

Matatandaan na noong Enero 28, pormal nang ipinahayag ng Makabayan bloc na binubuo ng Kabataan, Bayan Muna, Alliance of Concerned Teachers (ACT), Anakpawis, GABRIELA Women's party, Katribu, Migrante, Akap-bata, COURAGE (Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees), Piston, at Kalikasan ang pagsuporta nito sa tambalang Leni-Kiko.

Ayon kay Elago, ipagpapatuloy ng KPL ang pagbibigay boses sa mga kabataan sa Kongreso.

"Ipagpatuloy ang laban ng natatanging boses ng mga kabataan sa Kongreso, palakasin ang pagkilos para sa edukasyon, kalusugan, trabaho, at karapatan," ani Elago.

Samantala, dahil bababa na si Elago mula sa pagiging representative ng Kabataan, kung tagumpay na makakuha ng pwesto ay papalitan siya ni Raoul Manuel, 1st nominee at kauna-unahang Summa Cum Laude ng University of the Philippines Visayas; Angel Galimba bilang 2nd nominee, rights advocate; at Jandeil Roperos, pangulo ng National Union of Students of the Philippines.