Dinismiss ng Asingan-San Manuel Municipal Circuit Trial Court ang theft case laban sa 83 taong-gulang na si Lolo Nardo Flores na umano’y nagnakaw ng ilang kilo ng mangga sa kanyang kapitbahay sa Pangasinan, pagbabahagi ng kanyang abogado nitong Martes, Pebrero 8.
“Dismissed na po yung kaso ni Lolo [Hernando]. Humingi ng paumanhin sa lolo sa complainant and then malugod naman na tinanggap ng complainant yung pagso-sorry ni lolo,” sabi ni James Hernandez sa isang panayam ng ABS-CBN nitong Martes, Pebrero 8.
“Kaya nag-manifest tayo with the execution of the affidavit of resistance,” dagdag ni Hernandez at sinabing pinagbigyan ito ng korte dahilan para ma-dismiss ang kaso.
Matatandaang pinag-usapan at viral sa social media ang pagkakakulong ni Lolo Nardo na umagaw pa sa atensyon ng ilang celebrities at kilalang personalidad kabilang na sina Wendell Ramos, Ryza Cenon at Christian Gaza.