Buo ang suporta ng aktres na si Vivian Velez sa kandidatura sa pagkapangulo ni Manila City Mayor Francisco 'Isko Moreno' Domagoso, ngunit ang kaniyang vice presidential candidate na susuportahan ay si Davao City Mayor Sara Duterte, at hindi ang running mate ni Yorme na si Doc Willie Ong.

Tinawag ang ganitong pagpapares na 'Ka-ISSA, mula sa pangalang Isko at Sara.

Personal na hinikayat ni Vivian ang mga tagasuporta ni Yorme Isko na sumama sa isasagawang proclamation rally sa 'Kartilya ng Katipunan' sa Maynila.

"Mga Ka-Aksyon, bukas, Pebrero 8 sa ganap na ika-4 ng hapon sa Kartilya ng Katipunan, City of Manila, gaganapin na ang proclamation rally ni Isko Moreno Domagoso," aniya.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

"Kung may mga pailaw po kayo na blue, dalhin po ninyo. Kung wala naman po, i-download or i-save n'yo na lang po itong blue image na ito, ilabas na lang po natin ang cellphone natin, taasan ang brightness, buksan ang picture na blue at sabay sabay po nating itataas."

"Atin pong kukulayan ng blue ang buong kartilya!" aniya.

Binigyang-papuri ni Vivian si Isko sa pamamagitan ng kaniyang mga FB posts.

"Bakit si Isko?"

"Sa ibinahaging 'Bilis Kilos 10-Point Economic Agenda' ni Isko, magkakaroon tayo ng malinaw na plano para itaas ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino," aniya.

Mukhang dedma naman siya kay Doc Willie Ong dahil ang manok niya sa pagkapangalawang pangulo ay si Sara Duterte, na running mate naman ni presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. o BBM. Aniya, bagay na tandem sina Isko at Sara dahil halos pareho sila ng mga adhikain.

"Isinusulong ng grupo ng mga Muslim leaders sa bansa ang tandem nina Manila Mayor Isko Moreno at Davao City Mayor Inday Sara Duterte para sa 2022 national elections. Ayon sa grupo, ang naturang pagsasama nina Mayor Isko at Inday Sara ay ang pinakamagandang tandem para sa 2022 national elections," saad sa caption ng ibinahaging balita ni Vivian.

Si Vivian ay solid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte at isa sa mga kritiko ni Vice President Leni Robredo.