Suportado ng aktor at model na si Juan Emilio Ejercito o mas kilala bilang Jake Ejercito si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo.

Ibinahagi ni Jake sa kanyang Facebook post nitong Martes, Pebrero 8, ang larawan niya kasama ang kanyang anak na si Ellie.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"Para kay Ellie. Para sa bansa," saad ni Jake.

May kalakip itong mga hashtag na #KulayRosasAngBukas at #AngatBuhayLahat.

Sa huling bahagi ng kanyang post, tila may paalala ang aktor.

"Ps. All colors are welcome here! But ill-mannered comments will be deleted," dagdag pa niya.

Samantala, mayroon din siyang komento sa kanyang post. Aniya, respetuhin ang bawat isa kahit hindi pare-pareho ng sinusuportahang kandidato.

screengrab mula sa Facebook post ni Jake Ejercito

"Everybody’s welcome here! Ok lang kung hindi tayo pare-pareho ng sinusuportahang kandidato, but let’s treat one another with kindness and respect. Below the belt comments will be deleted. Thanks!" sabi ng aktor.

Si Jake Ejercito ay anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa aktres na si Laarni Enriquez. Mayroon din siyang kapatid na sina Jacob at Jerika.

Half brothers naman ni Jake sina dating Senador JV Ejercito at senatorial aspirant na si Jinggoy Estrada, na tumatakbo sa ilalim ng Marcos-Duterte slate.