Nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta, pasasalamat at pagdarasal ang mag-inang si Senadora Imee Marcos at dating First Lady Imelda Marcos para sa kandidatura nina Presidential aspirant Bongbong Marcos at aspiring Vice President at Davao City Mayor Sara Duterte.

“Kami’y nagpapasalamat sa pagtatangkilik, sa suporta, sa tiwala ninyo. Higit sa lahat sa ating mga loyalista na deka-dekada nang nagsakripisyo at naghirap. Talaga nga namang maraming salamat," sabi ni Imee.

Pinasalamatan din niya ang kanilang mga kaibigan at political parties na katuwang nila sa kandidaturang ng BBM-Sara UniTeam.

“We welcome also today all the new members and supporters brought forth by our Vice President Sara Duterte-Carpio. We welcome you with open arms,” ani Imee.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagpaabot din ng mensahe ang dating First Lady Imelda Marcos sa tandem at sa mga tagasuporta ng kanyang anak at ng buong patido nito.

“I would like to greet of course Bongbong and Sara Duterte, wish them all the best and good luck. Unfortunately, I couldn’t come because I had a bad fall last year but you can be sure I will do my best in the campaign not only for Bongbong and Sara but for everybody, all the candidates of the group and the party,” ani Imelda.

Naganap sa Philippine Arena sa Sta. Maria Bulacan ang proclamation rally ng BBM-Sara UniTeam nitong Martes, Pebrero 8.

Dagdag pa ng inang si Marcos, nararamdaman niyang mataas ang tsansa ng pagkapanalo ni BBM sa darating na eleksyon sa Mayo.

“I will do my share. In fact, I have been campaigning a lot. I think from what I feel from the BBM people I’ve been talking to, we have a good chance to win,” sabi ni Imelda.

“I’m here not only to campaign but to pray for you Bongbong and Sara and the candidates of the group to win in this election--for your winning will be a winning for the Filipino people,” dagdag niya,

Matatandaang kontrobersyal ang pamilya Marcos kaugnay ng umano’y nalimas nitong ill-gotten wealth na aabot sa US$5-10 bilyon mula 1965 hanggang 1986. Sa tala ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), mula 1986 hanggang December 2015, tinatayang nasa P170 bilyon na ang narekober ng pamahalaan mula nang simulang bawiin sa mga Marcos ang mga nasabing nakaw na yaman.

Taong 2018 naman nang mahatulang guilty sa kasong graft and corruption ang 92 taong-gulang na Marcos.