Iniulat ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na 93% ng mga taong namatay dahil sa COVID-19 sa Pilipinas ay hindi bakunado laban sa virus.
Sa Talk to the People ni Pang. Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi rin ni Duque na 85% ng mga COVID-19 patients na may malala at kritikal na lagay, ay mga unvaccinated rin.
“Ang laking bagay kapag hindi po sila bakunado . . . Talagang they account for the biggest number or percentage of the total deaths and also for the severe and critical cases,” ayon pa kay Duque.
Kaugnay nito, patuloy pa ring hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang makaiwas na dapuan ng malalang karamdaman.
Mary Ann Santiago