Hinikayat ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez ang publiko nitong Martes na isumbong sa mga awtoridad kung may nalalaman silang insidente ng vote buying sa kanilang lugar.

Ang payo ay ginawa ni Jimenez kasabay nang pagratsada na ng campaign period para sa May 9 national elections sa bansa nitong Martes, Pebrero 8.

Hinikayat rin naman ni Jimenez ang mga mamamayan na maghain ng reklamo laban sa mga kandidato na namimili ng boto kahit pa ito ay kakampi nila.

“Ang panawagan namin sa publiko ay ‘pag nakakita kayo ng lumalabag ay i-report ninyo ‘yan kahit kakampi ninyo ‘yan huwag nating papabayaan makalusot dahil kakampi natin yung kandidato, kailangan i-report natin yung kanilang paglabag,” ani Jimenez, sa panayam sa telebisyon.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

“Kapag kayo nakakita ng instances ng vote buying, meron po kayong puwedeng gawin. Puwede po kayong mag-document nung nakita ninyong vote buying at ine-encourage namin sila mag-file ng complaint. ‘Yan po kasi ang pinakamahalagang aspeto ng laban, laban sa vote buying,” paliwanag pa niya.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin aniya ang campaign committee sa mga opisyal ng barangay upang i-monitor ang mga paglabag sa campaign period.

“Meron po tayong kasing campaign committee in several levels, and isa sa mga trabaho ng campaign committee natin is to coordinate with the barangay structures. Ang sinasabi po natin is pag may nakita po tayong violation sa campaign rules natin ito ay ituturing nating election offense maaaring magkaroon ng pagkakulong or fine,” aniya pa.

Mary Ann Santiago