Noong Pebrero 7, nagbitiw na sa puwesto si Benjamin "Benhur" Abalos Jr. upang tumulong sa kampanya ni dating senador Bongbong Marcos bilang national campaign manager nito.

Si Benhur Abalos ay dating alkalde ng Mandaluyong City bago maging chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Anak siya ni dating Comelec chairman na si Benjamin Abalos Sr. at Corazon de Castro.

Ikinasal siya kay Carmelita "Menchie" Aguilar at nabiyayaan sila ng anim na anak: Charisse Marie at Clara Marie (kambal), Benjamin III o Benjie, Charlene Marie, Maria Corazon at Celine Marie.

Nagsimula ang political career ni Abalos sa Mandaluyong City noong 1995 nang maging councilor siya ng lungsod, natapos ang termino niya noong 1998.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Taong 1998 hanggang 2004 naman ay naging alkalde siya ng Mandaluyong City, habang congressman naman noong 2004 hanggang 2007, at noong 2007 ay naging alkalde siyang muli.

Noong Enero 21, 2021 ay itinalaga siya ni Pangulong Duterte bilang chairman ng MMDA. Pinalitan niya si Danilo Lim na pumanaw dahil sa COVID-19.

At nitong Pebrero 7, 2021 ay nagbitiw siya sa kanyang puwesto upang maging national campaign manager ni dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos.

Gayunman, hindi rin lingid sa kaalaman ng iba na malapit ang pamilya Abalos sa mga Aquino.

Katunayan, sinuportahan ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang anak ni Benhur na si Maria Corazon "Corrine" Abalos noong sumali ito sa Miss Universe Philippines Pageant noong nakaraang taon dahil kapangalan ito ng kanyang ina-- Corazon Aquino.

Sa isang deleted Instagram post noong Agosto 10, 2021, ibinahagi niya ang larawan ni Corrine at ipinaliwanag kung bakit niya sinusuportahan ang kandidata.

"I don't do this for just anybody-- but her full name is Maria Corazon (exactly like my mom's)," aniya.

"Our relationship with her family goes all the way back pre-Edsa Revolution, plus her grandparents share the same initials as my dad (BSA) and my mom (CCA), then obviously alam niyo na. CORINNE ABALOS has my full support for Ms. Universe Philippines," dagdag pa ng aktres.

"I have never been afraid to make my choices known and since we do live in a democracy, pwede kayong mag-disagree with me. But Corinne is a worthy candidate, educated in Poveda and she graduated from DLSU (De La Salle University) in 2019 with a degree in AB International Studies Major in European Studies. Definitely, hindi tayo mapapahiya sa Q&A," sabi rin ng aktres.

Samantala, wala pang itinatalagang bagong MMDA chairman ang Malacanang. Si MMDA General Manager Romando Artes muna ang officer-in-charge ng ahensya.