Patuloy na nagpasalamat si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga taga Camarines Sur kahit na dinaanan nito ang mga supporters ni Vice President Leni Robredo sa kanyang caravan noong Pebrero 6.

screengrab mula sa video sa Facebook

Sa isang video ng caravan ni Mayor Sara na kumakalat sa Facebook, nadaanan niya ang mga taga suporta ni Robredo na may hawak na mga tarpaulin at iba pang mga paraphernalia na kulay pink.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Maraming salamat. Mabuhay kayo!" ani Sara. 

"Sir, vice president po ang tinatakbo ko. Maraming salamat." biglang sabi ng vice presidential candidate nang madaanan niya mismo ang mga supporters ni Robredo. 

"Mabuhay kayo! Mabuhay ang CamSur!" saad ni Sara.

Samantala, handa na ang inaasahang pinakamalaking proclamation rally ng BBM-Sara UniTeam sa Philippine Arena sa Sta. Maria, Bulacan ngayong Martes, Pebrero 8. 

Inaasahang dadaluhan ito ng 25,000 na taga suporta. Mag-uumpisa ito dakong alas-kwartro ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.