NAGA CITY, Camarines Sur - Handang-handa na si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa laban nito sa pagka-pangulo sa 2022 national elections.
Ito ang reaksyon ni Robredo nang maging guest speaker ito sa paglulunsad ng,"BIKOLENI Movement" na inorganisa ng Kusog Bikolandia Regional Party sa Naga City nitong Lunes.
Aminado si Robredo na bago pa lamang ang paghahain ng kandidatura ay inihanda na nito ang sarili para sa isang malungkot na laban.
"Nung nagdesisyon ako na magkandidato bago pa ako mag-public announcement, inihahanda ko na ang sarili ko sa isang malungkot na laban. 'Yung dinaanan ko sa loob ng 5 and a half years ay hindi biro," paglalahad nito.
Nag-umpisa aniya ito nang manalo siya bilang bise presidente noong 2016 at nagtuluy-tuloy nang ianunsyo niyang kakandidato ito sa pagka-presidente.
"Yung dinaanan kong pagpapakasakit, mudslinging, pagpapahiya sa aking kakayahan at pagkatao, ramdam ko na. 'Pag ako kumandidatong presidente, mas lalo itong dadami," ayon pa sa kanya.
Niño Luces