Napatay ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos makasagupa ng grupo nito ang ilang miyembro ng New People's Army (NPA) sa Lapinig, Northern Samar nitong Lunes ng umaga.
Sa ulat ng pulisya, nakilala ang opisyal na si Lt. Kenneth Tad-awan,team leader ng 801st Maneuver Company ngRegional Mobile Force Battalion.
Naiulat na nagpapatrulyaang grupo ni Tad-awan sa Barangay Look nang makasagupaang grupong mga rebelde.“We extend our deepest condolences to the family of Police Lieutenant Tad-awan, rest assured that we will immediately provide the needed financial support and other social benefits for his family,” sabi naman ni PNP chief, Gen. Dionardo Carlos.
Sinabi pa ng heneral na hindi hadlang ang pagkakapaslang ni Tad-awan sa pagtugis sa mga rebelde.
Aaron Recuenco