Bumida sa isang Australian film na "Here Out West" ang social media personality na si "Maria Kutsinta."
Sa Facebook post ni Maria Kutsinta, ibinahagi nito ang kanyang pag-ere sa pelikula. Aniya, "Hi Mga Mare. So kung di nyo pa alam no, I played a minor role in this Australian Movie. I also did the Tagalog subtitles."
"So proud to be part of this movie."
Si Maria Kutsinta ay sikat na TikTok personality na mayroong 557.2K followers at 10.5M likes.
Ang pelikulang Here Out West ay isang antolohiya ng walong magkaka-konektang istorya ng mga imigrante sa Western Sydney, Australia.
Para sa Australian film critic, writer, producer, at television personality na si Margaret Pomeranz, isang nakakapukaw ng damdamin ang pelikula lalo na't hindi lamang isang kwento ang iikutan nito kundi walong magkaka-konektang istorya.
"[Here Out West is a] “deeply moving multicultural mosaic of connected lives in Western Sydney,” paglalarawan ni Pomeranz.
Ang pelikulang ay isninulat nila Nisrine Amine, Bina Bhattacharya, Matias Bolla, Claire Cao, Arka Das, Dee Dogan, Vonne Patiag at Tien Tran, na siya namang pinamatnugutan nila Fadia Abboud, Lucy Gaffy, Julie Kalceff, Ana Kokkinos, at Leah Purcell.
Tampok sa pelikula ang mga aktor at aktres na sila Genevieve Lemon, Leah Vandenberg, Arka Das, Thuso Lekwape, Rahel Romahn, De Lovan Zandy, Christine Milo, Christian Ravello, Jing-Xuan Chan, Gabrielle Chan, at Brandon Nguyen.
Bukod sa pagkakaroon ng tauhan na may iba't-ibang lahi, naging inklusibo rin ang pelikula dahil hindi lamang isa o dalawang lengguwahe ang ibinida dito kundi siyam: English, Arabic, Bengali, Cantonese, Kurdish, Tagalog, Turkish, Vietnamese, at Spanish.