Top trending topic sa Twitter nitong Lunes, Enero 7, ang “#KulayRosasAngBukas” at “People’s Campaign” bilang paghahanda ng mga tagasuporta ni Presidential aspirant Vice President Leni Robredo para sa pagsisimula ng 90-day election campaign period bukas, Martes, Pebrero 8.
Tampok sa campaign brigade ang mga tagasuporta ni Robredo na nagbabahagi ng kulay pink na parisukat kalakip ang rosas sa kanang ilalim nito.
Makikita rin ang Tweet ni Robredo na nagpapakita ng parehong larawan at hashtag brigade na #KulayRosasAngBukas.
“Ang unang hakbang sa pangarap nating #AngatBuhayLahat ay ang pagpili ng gobyernong tapat. Sabay-sabay nating gawing #KulayRosasAngBukas!” mababasa sa caption ni Robredo sa kaniyang Tweet.
Narito ang ilan sa mga netizen at Kakampink na nakiisa sa Twitter.
Nasa higit 37,000 tweets na ang naitatala ng #KulayRosasAngBukas at nasa higit 7,000 tweets naman ang People's Campaign sa pag-uulat. Parehong hashtag din at brigada ang makikita sa Facebook.
"Rosas ang simbolo ng ating kampanya dahil sa Pilipinas ito rin ay simbolo ng pagmamahal, pag-asa, at pag-angat. Sinasalamin nito ang sentro ng ating laban - ang puso ng bawat Pilipino na nagbibigay buhay sa ating People’s Campaign," mababasa sa caption ng ilang Kakampink sa Facebook kalakip pa rin ang larawan ng pink na parisukat na may rosas sa kanang ilalim nito.