Mukhang hindi talaga tatantanan ng batikang broadcaster na si Korina Sanchez-Roxas ang mga trolls na nauna na niyang binantaang patitikimin ng legal na aksyon, matapos din siyang maging biktima nito sa social media.

Nag-post kasi siya ng video ng pasilip niya sa tanong niya kay presidential aspirant at senador na si Panfilo 'Ping' Lacson para sa presidential interview niya sa mga kumakandidato sa pagkapangulo, na napanood noong weekend sa 'Rated Korina'. Isa sa mga tanong niya ay ang personal niyang adbokasiya na masawata ang mga 'troll farm' o mga netizen na walang ginawa kundi ang manira sa isang celebrity o politiko.

Sa kaniyang komento sa sariling IG post, tinawag niyang 'walang kaluluwa' ang mga trolls.

"Nasan na kaya ang mga walang kaluluwang trolls ba gumugulo at nag-iimbento ng kung ano-ano tungkol sa akin? Ay. Na- block ko na pala sila. Well. Malapit na kayo mapa-NBI," banta ni Korina.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"You can't keep on ruining people’s lives with what you do. Better re-think. Is it worth everything you've worked for that you end up in jail? Food for thought."

Screengrab mula sa IG/Korina Sanchez

Matatandaang noong Enero 19, nauna nang nagbanta si Korina laban sa mga trolls na hihiyain muna sila bago ipakulong. Hinikayat niya ang mga biktima ng trolls na makipag-ugnayan sa kaniya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/19/korina-sa-mga-paid-trolls-hiyain-muna-natin-nang-todo-bago-pakulong/

"If you’re a victim of online harassment by paid trolls, email me on [email protected] and I will give you the tips on how to put them in their place. There are administrative and legal remedies for this."

"Ipakulong natin sila. Hiyain muna natin nang todo bago pakulong. I'm in touch with the Senate about this currently. I'm on your side, being a victim myself. There’s a way," aniya.