MANDAUE CITY- Determinado siSenator Manny Pacquiao na makuha ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan matapos tiyakin na naman na hindi aatras sa pagtakbo sa pagka-pangulo.
"This fight is the fight of the people. This is not my or my family's fight, this is the fight of the people," paliwanag nito nang pangunahan ang groundbreaking ceremony ng isang multi-purpose building sa Barangay Subangdaku sa Mandaue, Cebu nitong Lunes, Pebrero 7.
Dapat aniyang umatras ang mga kumakandidato para sa pansariling kapakanan.
"Some are running to give shame. They are running for their own welfare," he added.
Tumulong aniya ito sa pagpopondo sa isagapat na palapag na gusali at sa isa pang housing project.
"My goal is to really help the homeless. I really want to help them. I want to give them not just houses but also livelihood," dagdag pa nito.
Calvin Cordova