Sa isang artikulo ni Rigoberto Tiglao na inupload sa kanyang website, isiniwalat niyang desperado ang mga Amerikano na alukin si presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ng malaking halaga na pera kapalit ng pagwi-withdraw nito ng kanyang kandidatura at suportahan na lamang si Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo.

Ibinahagi ni Tiglao sa kanyang panibagong artikulo ang sinabi ng kanyang "old source" tungkol sa perang nais ialok ng mga Amerikano kay Isko.

Nagulat umano si Tiglao nang marinig niya ang pahayag ni Isko sa "The Jessica Soho Presidential Interviews," umere noong Enero 22, 2022, na ang kanyang loyalty ay nasa tao.

"Basta ako ang loyalty ko sa tao. Kapakinabangan ng tao ang mahalaga sa akin, hindi kapakinabangan ng pulitiko. Kung mabuti ka at tinupad mo ang sinabi mo, sasamahan kita. Pero kung hindi ka totoo sa sarili mo at sa tao, hindi ako para maging tapat sayodahil ang katapatan ko, sa taong bayan," ani Domagoso.

Ayon kay Tiglao, dalawang araw bago sabihin ni Isko ang naturang pahayag, may isiniwalat sa kanya ang kanyang "old source" na very well connected sa political and business circles.

Sinabi ng kanyang source na desperado na ang mga Amerikano na alukin ng malaking halaga ng pera si Isko para i-withdraw ang kandidatura nito at suportahan si Robredo.

“He said: It’s done. The Americans are desperate that they’ll offer Isko big, big money for him to withdraw his candidacy and support Leni Robredo," pagbabahagi ni Tiglao.

Ibinahagi rin ni Tiglao na ayon sa kanyang source na tataas ang rating umano ni Robredo kung sakaling ibubuhos ni Isko ang mga tagasuporta niya kay Robredo.

"With some manipulation of the polls, Leni’s rating will be made to appear to move up and with Isko’s throwing his support for her, the Americans think they can create a bandwagon effect, enough to conceal the massive cheating they’ll do, as they did in 2015 for Leni.”

"Isko’s explanation why turncoatism isn’t really bad is what he will say when he withdraws from the race and supports Robredo, that it is for the good of the people," dagdag pa ni Tiglao.

Sinabi rin ng umanong source ni Tiglao: “Lacson, of course, could also be more easily persuaded to do an ‘Isko,’ as everyone knows he’s running not to win but as they say, ‘for the funds of it.'"

Tinanong ni Tiglao kung magkano yung sinasabing "malaking pera" ang sagot ng kanyang source:"“How much is an F-35?” he rhetorically asked, referring to the US’ most advanced fighter jet that has been flying over Chinese-held reefs to challenge that superpower’s claim."

Ani Tiglao, nagkakahalagang $80 million na katumbas ng P4 billion ang F-35-- ito ang maaaring makuha ni Isko mula sa mga Amerikano.

Hindi aasa umano ang mga Amerikano sa government audited funds. Ang mga private foundations umano nito ay nagbigay ng $50 million sa Philippine media outfits tulad ng Rappler, Vera Files, at ang Center For Media Freedom and Responsibility at iba pang "NGOs" para i-demonize umano si Duterte simula noong 2016.

"The Americans will not even rely on government audited funds. Run as private foundations, US entities using the excuse that they are championing human rights and a free press, such as the National Endowment for Democracy and Omidyar Network, have given so far $50 million to Philippine media outfits such as Rappler, Vera Files and the Center For Media Freedom and Responsibility and other “NGOs” to demonize Duterte since 2016," ani Tiglao.

"The Americans don’t need these traitors if it gets to install Leni Robredo— clearly the most pro-American and anti-China candidate — as president and, therefore, can bankroll that F-35 amount," dagdag pa niya.

Dahil imposible umano ang disqualification ni Marcos, ang turncoatism lamang umano ni Isko ang nag-iisang plano ng mga Amerikano upang pigilan ang ikalawang pagkapangulo ng isang Marcos.

Desperado umano ang pagnanais ng U.S. na magkaroon ng pro-American Philippine president upang maisagawa ng mga Amerikano ang mga plano nito.

"What gives my source’s claim some credibility is the fact that never since the Vietnam War ended in 1975 has the US desperately needed a pro-American Philippine president as it does now. Bongbong Marcos will likely at the very least follow Duterte’s foreign policy of having China and US at an equidistant length from us. Marcos also, of course, knows how the US betrayed his father — abducting him to Hawaii and undertaking a “kangaroo court” there that portrayed him as a murderous dictator. But he doesn’t seem to have that Aquino trait of vengefulness and he’s too realistic to make the US an outright enemy," ayon kay Tiglao.

Hirit pa niya: "The May election doesn’t just involve candidates’ different views on how this nation should be run and their real qualifications."