Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 6,835 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong Lunes, Peb. 7.

Ang case bulletin nitong Lunes ay nagdala ng kabuuang bilang ng mga kaso sa 3,616,387 mula noong simula ng pandemya.

Sa kabuuang bilang ng mga kaso, 3.2 porsyento o 116,720 ang mga aktibong kaso. Sinabi ng DOH na humigit-kumulang 95.7 porsiyento ng mga kaso ay mild at asymptomatic.

Sa mga aktibong kaso, 103,900 ay mild; 7,806 ay asymptomatic; 3,184 ay moderate; 1,495 ang severe habang 335 ang nasa kritikal na kondisyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nag-ulat din ang DOH ng 16,330 na bagong recoveries, kung saan ang kabuuang bilang ay nasa 3,445,129 o 95.3 porsyento ng kabuuang mga kaso habang 12 na bagong pagkamatay mula sa COVID-19 ang naitala, na nagdala ng bilang ng mga nasawi sa 54,538 o 1.51 porsyento ng kabuuang bilang.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ginagawa pa rin nila ang ikalimang yugto ng National Action Plan (NAP) na nasa transition sa bagong normal o paglipat mula sa pandemya patungo sa endemic phase.

“You end the pandemic, at the same time you have to learn to live with the virus because that’s a reality of life. The virus is going to stay there,” ani Duque.

“But for as long as we have not reached our third and final milestone of 90 million and above Filipinos completely jabbed, we still have to be careful about discipline, compliance and and adherence to the Minimum Public Health Standards (MPHS) on the one hand and and increasing the vaccine trajectory on the other hand,” dagdag niya.

Dhel Nazario